Archive for the ‘Uncategorized’ Category
Personal Expression
Posted by christopherpelayo on December 11, 2008
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
Expanding Life to its Limits
Posted by christopherpelayo on December 10, 2008
Sometimes we thought were just as tough as what we are; tougher than what we were, and doesn’t even needed the help of anyone around us like what were suppose to be. It hurts when we’ll just realize how hard it is to live all alone, without the people of whom we need at our side and it’s just a little too late grasping things all over again, to make things work the same, like what they were before. As we get older demands were increasing, pressures come across our lives, challenges becomes tougher ever than before; they may change us in such a way according on the way of how we deal with them. Time is just running too fast yet I’m making a slow move working on things up like tomorrow I’ll be able to pass that way again; it’s past and never it happened in the history; that history jumps itself to the present, not even in the future, but I have to accept the fact that it’ll only be a past itself remaining intangible from any possibility of alteration, but I could make a change of the future making difference of how my life would be and should not try hanging myself for those fortune teller out there telling us what our destiny would be; and like this quote “if they change their minds, the vision may change” from Twilight written by Stephenie Meyer, it only says one simple thing that our decision is still what would matter of what we will be for the future.
All the rest of my life I’ve spent time on knowing the algorithms of computers’ hardware and computer applications; and even tried making a new philosophy that technology is the only thing that would be making things work for the better of anyone living in a society; it’s a logic coming from a simple mind of despair like making an escape from the truth that there are more simpler things than these that may bring greater impact. Fearing of what I’ am is the greatest mistake that I had ever done in the 20 years of my existence. God had gave me the talent, the skill to be able to express myself in a way that is filled with a splendid wisdom and knowledge, yet I tried running away from it because I feared taking the risk of what was bestowed on me at hand. The world does not now only need a technology for them to use, they needed people; people of whom capable expressing the perception and awareness that brings life into life again; I feared that my insights were not as fare good as what others does; does I fear of getting frustrated of what others might say if I do express it in a manner like being one expert in the algorithm of survival.
There are many days I have had wasted by just not taking one opportunity and the other, there are many hard to sleep nights I have to spent because of my fear about what tomorrow would bring and saying that; that very next day wish that I may not be able to wake up and feel sorry for everyday or opportunity coming up. I always thought of my action as always a mistake, I always thought of all my decisions as nothing but a crop that should be rejected, not because I don’t have the knowledge nor because I can’t do it; but because I don’t have the strength bringing things by taking the jeopardy of it. I always fore look the negative effects and yet does not seem to see the negative results for the action that I do, I always choose to play safe and keep hiding, always make myself riding at the shoe of others it’s frustration right? Or somewhat stupid isn’t it? In the ride of life it’s not important how intelligent you are, nor how dominant your ancestor is; it’s not about grades, nor how trendy your name is in a place, but it’s about how you can prove yourself working for something that brings success and gives a great motivation to self, giving inspiration to others; no matter how other people view them, but what matters more is what brings you the authority to make that decision work.
Loneliness, frustration and fear are just simple mistakes that we may commit, but may bring about every negative thing in the world. Nobody in this world is made so perfect that may not need the help of others, nor becomes so excellent that does not able to face opposition from his or her decision and become so courageous that does not able to pass through hard decisions. Everything in this world comes with a choice, and it’s upon our own initiative of what to choose and what to take for our living. It’s not about the negativity and positivity of things, but how they would bring the change in our life; life is not all about destiny but it’s all about decisions of what to take and what we should just leave behind. The goodness of life is not just about the greatness of our decisions, but sometimes the simplest decisions brings much greater quality in life than the other. It’s not about who is so great in this world, but who is just stronger enough to face the challenges that life has to be bestowing upon us and how he would view it in his own way of knowing. Life is just short, and only comes once and after these nothing will follow anymore; and when our life have to fade on its own, the popularity, the dominance, and intelligence is not what will always be remain during the time of our moment, but on how we brought those opportunities and skills into work for the improvement of life allowing it to expand to the maximum of its limits.
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
Responsibilidad
Posted by christopherpelayo on October 24, 2008
Bawat tao sa mundo may sariling prinsipyong sinusunod mahirap man itong unawain sa pananaw ng iba’t-ibang tao sadyang hindi natin ito pwedeng ipagkait sa sino man satin. Iikot ang kwento ko sa buhay ng isang simpleng tao na tulad ng sino man satin may sariling istilo siya kung pano niya pinaninindigan ang kanyang buhay.
May sariling asawa’t anak si Brian, walang trabaho bagamat umaasa lang sa kung anong maibibigay ng kanyang asawa at mga kapatid. Si Danica na anak niya ay nasa elementarya ng magsimula siyang lumuwas sa probinsiya walang katiyakan sa hangarin niyang bumalik sa mag-inang naiwan sa malayong lugar, habang siya ang nasa isang di malamang lugar at walang inaalalang mga responsibilidad mula sa naiwang pamilya.
Doon sa probinsiya namuhay siyang parang isang don nakahiga sa pera, kung maubos man ang pinanghahawakang kwarta ay may ina’t amang lalapitan upang humingi ng kaunting halaga para matustusan ang kanyang mga bisyo, kung magtanong ang mga ito kung san niya dadalhin ang pera ay agad na sasabihing ipapadala sa kanyang pamilyang naiwan sa Maynila upang may magamit ang anak na noon ay nagsisimulang maghigh school, kung walang maibigay saka siya ay magagalit at magmamaktol. Atsaka hahanap ng mauutangan at ang pangalang gagamitin ay ang sa ina o di kaya naman ay ang sa ama, minsan pa nga siyang humiram ng pera sa isang kaibigan isang malaking halaga, at kung itatanong kung nasan ang pera hindi namin alam, ang tanging alam lang namin ay kung magkano at kanino niya hiniram ang pangalang nakasaad gaya ng dati ay sa ina o di kaya nga naman ay sa ama.
Halos gabi-gabi siyang lasing, kung san may sabong ay andon siya kasama ang mga kabarkada na tulad niya ay walang inisip kundi ang magkaron ng masarap na buhay, sa mga Fiesta hindi siya nawawala sa mga handaan pangunahin siyang panauhin kakambal nito ang inom at sugal nasa bawat perang maipusta kapalit ay luha at pawis ng mga taong sa kanya ay nag-aalala. Kung maisipan man niyang umuwi sa bahay ay sa panahong walang-wala na siya muling hihingi sa mga magulang ng pera na kung saang lupalop man niya dalhin ay walang nakakaalam. Wala siyang permanenteng tahanan, magulo ang istilo ng kanyang buhay ano mang paalala, ano mang payo ang sa kanya ibigay hindi niya pinapansin ang sa kanya ay makuha niya ang mga luho niya ng hindi iniisip kung anong maaring maging kapalit. Sa magkakapatid siya lang ang walang hanapbuhay ang iba ay mga propesyonal, ang iba naman bagamat walang natapos ay may bukid namang pinagkakakitaan upang kahit papano ay may ikabuhay sa pangaraw-araw at maipagpaaral sa mga anak. Ilang ulit naring nalagay sa peligro ang buhay ng kanyang ina dahil sa konsomisyon sa kanya, dahil sa mga di mabilang na utang sa kung sinu-sino ay hindi maiwasang mag-alala ito at maging sanhi ng kanyang high blood pressure. Sadyang perwisyo ngang matatawag ang kanyang dala sa pamilya, sino man sa kanila ay walang magawa parang mapigilan siya kaya’t kung ano mang gawin niya sa kanyang buhay hinahayaan nalang nila. Kung ano mang mabalitaan nila na ukol sa kanya ay yun nalang ang kanilang nalalaman, kung anong saloobin at nararamdaman niya iyon ang bagay na walang nakakaalam.
Sino man sa kanilang pamilya ang hindi alam kung bakit siya ganon dahil ba pinalaki siya sa maling paraan o dahil ba sa takot niyang harapin ang mga responsibilidad niya? May pagkukulang ba ang mga nagpalaki sa kanya ang talagang ganon na siya kahit ano pamang paraan ang gawin? Kung anong sagot walang may alam hanggang haka-haka nalang.
Ngunit sabi nga nila bawat desisyong pinipili natin ay may kaakibat na kapalit. Napatunayan ko yun nang isang araw ay tumawag ang kanyang mga kapatid na kasakasama niya sa probinsiya na kailangan siyang dalhin sa ospital dahil nakakaramdam siya ng di pangkaraniwang sakit na gumuguhit sa buo niyang kalamnan, lahat ay alalang-alala sa kalagayan niyang iyon at dali-dali siyang dinala sa isang doctor at don napag-alamang may batong namumuo sa kanyang Kidney (Kidney Stone o sakit sa bato). Napakalaki ng nagasto ng pamilya para maipagamot siya, ang presyo ng gamot halos makabutas bulsa ang halaga ngunit hindi ininda ng kanyang pamilya ang mga iyon bastat ang para sa kanila ay gumaling si Brian mula sa karamdamang iyon. Makalipas ang ilang lingo ay gumaling nga siya nawala ang sakit at muli na siyang nakapamuhay ng maayos. Sa mga panahong yun ay marami ang nag-iisip ng isang malaking pagbabago mula sa kanya na maaaring maging resulta ng kanyang karanasang iyon. Ngunit isang malaking pagkadismaya ang naramdaman para kay Brian dahil sa halip na itigil ay muli na naman niyang binalikan ang lahat ng inihintong bisyo, muli siya ay napariwara ng landas, sugal don sugal dito, lustay doon lustay dito isang nakapanghihinayang na bagay na ikinainis ng marami sa kanya kasama na ng mga kapatid niya. Sa ilang buwan matapos niyang balikan ang kanyang mga bisyo ay muling nagbalik ang sakit at sa ngayon ay masmatindi dahil ang sakit ay walang tigil at tuloy-tuloy na pilit nalang titnitiis ni Brian. Maging sa gabi ay halos hindi na siya makatulog dulot ng sakit na nararamdaman niya hanggang maisipan na niyang lumuwas sa siyudad at humanap ng isang espesyalista na maaaring gumamot sa kanya.
Kung gaano kasarap ang nararanasan niyang buhay noon ay katumbas ng sakit na dinadanas niya ngayon. Sadyang lahat ng bagay sa mundo ay may kapalit mabuti o masama sadyang may babalik sayo. Minsan napakasarap mabuhay sa sarap ng buhay lumayo sa mga problema at magpakasasa sa mga bagay na dala ng pera, ngunit minsan din nalilimutan natin ang mga sarili nating buhay
Ang masakit pa ay nagkaron siya ng isang panibagong pamilya na sapilitan nalang tinanggap ng kanyang mga kapatid isang bagay pa hindi alam na isa pa niyang pamilya na laging umaasa sa kanyang pagbabalik. Isang tawag ang natanggap ng isa sa kanyang mga kapatid itinatanong ang kanyang kalagayan at nais siyang pabalikin sa Maynila upang masaksihan niya ang pagtatapos ng kanyang panganay na anak na si Danica. Hatid sana non ay pagkasabik ng isang anak para sa amang matagal nang hindi nakapiling ng humigit kumulang na walong taon, ngunit nabigo ang anak sa nais dahil sa panahong iyon din hindi dumating ama wala ako don para malaman ang naging pakiramdam niya ngunit bilang isang anak walang kasing sakit kung iyo lang iisipin.
Posted in Uncategorized | Leave a Comment »
